Huwebes, Oktubre 13, 2011

Kabihasnan sa Sinaunang Amerika: Maya, Aztec, at Inca








ANG SIBILISASYON NG MAYA:
Ang kabihasnang Maya ay namuhay noong 2000 BCE. Sa pagdaan ng mga taon, sila ay naging mga matagumpay na magsasaka at gumawa ng mga dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo.
Karamihan sa mga Maya ay mga magsasaka na naninirahan sa mga kubo sa mga kabundukan at nagpupunta lamang sa mga lungsod kapag namimili at may pagdiriwang na panrelihiyon.

Ang kabihasnang Maya ay isang sibilisasyong Mesoamerikano, na kilala dahil sa nag-iisang nalalamang nasusulat na wika sa pre-Kolumbyanong Mga Amerika, pati na ang kanyang sining,arkitektura, at mga sistemang matematiko at astronomiko. Unang nalunsad noong panahong Pre-Klasiko (sirka 2000 BK hanggang 250 AD), ayon sa kronolohiyang Mesoamerikano, maraming mga lungsod na Maya ang umabot sa kanilang pinakamataas na katayuan ng pag-unlad noong panahon ng Klasikong panahon (bandang 250 AD hanggang 900 AD), at nagpatuloy hanggang sa panahong Matapos ang Klasiko hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Yucatán. Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.


Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.


Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.



Ang Sibilisasyong Maya
- isang Meso-American civilization
- sila lang ay may organisadong written language sa buong Pre-Columbian America at sila ay may sariling numerical system
- maraming kaalaman sa larangan ng:
   - astronomiya
   - matematika
Ang sibilisasyong Mayan ay nahahati sa tatlong panahon:
1) Preclassic- 1800 B.C.
- simula ng pagpapatayo ng stepped pyramids
- pottery at fired clay figurines
2) Classic (c. 250-900)
- umusbong ang konseptong urbanismo
- lungsod-estado
- Cancuen- isang malaking lungsod sa sibilisasyong Maya kung saan makikita ang mga malalaki at magagandang palasyo at pyramid
Ang Maya collapse:
- 8th- 9th century
- dahilan:
   - overpopulation
   - peasant revolt
   - foreign invasion
   - epidemic disease
   - climate change
3) Postclassic
   - Yucatan- lungsod
        - Mayapan- lungsod-estado
              - sinasabing dito nakuha ang pangalan nila na "Maya"
  -  Popol Vuh- Mayan mythology
          - natagpuan sa kaharian ng Quiche
Iba pang importanteng dapat malaman tungkol sa sibilisasyong Mayan:


1. Ang bawat Mayan ay may apat na pangalan: una ang kanyang palayaw na ginagamit lamang pag siya ay nasa bahay, pangalawa ang kanyang "pampublikong" pangalan- yun ang tinatawag sa kanya ng mga taong hindi niya kapamilya, pangatlo at pang-apat- mga pangalang galing sa pamilya ng kanyang nanay at kanyang tatay. Ito ay upang masigurado na hindi magkamag-anak ang kanyang mga magulang.


2. Ang interpretasyon ng kagandahang pisikal para sa mga Mayan ay pagkakaroon ng: flattened skull, malaking ilong, at pagiging duling. Kaya nagsusuot sila ng clay noses para magmukhang malaki ilong nila.
3. Ang kanilang paraan ng pagsakripisyo ay ang pag-aalay ng dugo sa kanilang mga Diyos. Karaniwang parte ng katawan na kinukuhaan ng dugo ay ang tenga, labi at dila. At pag mataas ang iyong antas sa lipunan, inaasahan na marami kang mai-aalay na dugo.


4. Isa pang inaalay ng mga Mayan ay human heart. Nacon ang tawag sa taga-tanggal ng human heart at Chacs yung tawag sa taga-hawak ng human heart.
Mga importanteng bagay: (mga definitions)
Paraan ng pagkasal ng mga Mayan: Arranged marriage
- Atanzahob- matchmaker para sa arranged marriage
- Ah kin- pari
- Cancun- "Lugar ng mga Ahas"
- Pok-a-tok- isang ball game na parang soccer
- Huilich Uinic- pinuno
- Batab- tumutulong sa pinuno. nagsisilbi ring "judge" at tax collector ng taong bayan
- Cosmos: heaven, earth, underworld
- Diving God- supreme God
- Warfare- para sa Mayans, ito ay isang ritwal. Bago makipag-digmaan, kumakanta at sumasayaw ang mga Mayan para sa kanilang mga Diyos. Matatapang ang mga Mayan at naniniwala sila na mas mabuti pang mamatay sila kaysa matalo ng kanilang kaaway
- Slash and burn- ginagamit nila para sa kanilang agrikultura


-
ANG SIBILISASYON NG AZTEC:



Ang Aztec ang pinakamarahas na kabihasnan dahil sila ay nag-aalay ng buhay na tao para sa kanilang Diyos.


Ang kabihasnang Aztec ay umusbong sa Valley of Mexico.
Tenochtitlah - lungsod-capital; "an island in a lake"
Obsidian - batong galing sa bulkan
Chinampas- floating garden
Huey Hatoanni - Great Speaker; Ruler

Hernando Cortez - sumakop sa kabihasnang Aztec




 Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.

· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.





Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.


-
ANG SIBILISASYON NG INCA:




ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika.  matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.




itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar. kabilang dito ay ang mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito: mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan. bawat tahanan ng mga inca ay may pinaglaanang lugar na para lamang sa mga bagay na maituturing nilang huaca sa kanilang pamilya. Ang paghahandog at pagaalay ng sakripisyo na may dasal ay isang malaking bahagi ng seremonyang panrelihiyon ng mga inca.